Pito (7) pang mangingisdang Pinoy ang narescue sa karagatang sakop ng Japan matapos mawala ang mga ito sa kasagsagan ng pananalasa ng bagyong Kabayan.
Ayon sa ulat, nasagip ng Singapore registered vessel na NYK Joanna ang mga mangingisdang nakitang palutang -lutang sa dagat.
Kinilala ang mga na-rescue na mangingisda na sina Allan Cagejas, Samson Cagejas, Mauricio delos Santos, Loreto Sevilla, Marvin Cabas-an, Robelito delos Santos at Bernardo Cabas-an.
Matatandaang noong nakaraang linggo, nasa mahigit 100 mangingisda rin ang nasagip matapos ang paghagupit ng bagyong Kabayan.
By Ralph Obina