Hinimok ng Komisyon ng Wikang Filipino (KWF) ang lahat ng mga ahensiya at ibang mga grupo na gamitin ang wikang pambansa ng Pilipinas sa paghahatid ng impormasyon tungkol sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Ito ay kaugnay na rin ng pagdiriwang ng Buwan ng Wika ngayong Agosto.
Ayon kay KWF commissioner Arthur Casanova, mahalagang magamit ang wikang Filipino sa pagbibigay ng impormasyon lalu na’t hirap ang lahat sa nararanasang pandemiya.
Sinabi ni Casanova, tuloy-tuloy din ang ginagawa nilang pagsasalin sa Filipino at katutubo o regional na wika ang mga nakakalap nilang impormasyon na maya kaugnayan sa COVID-19.
Nakikipag-ugnayan na rin sila sa iba pang ahensiya ng pamahalaan para maipalaganap ang mga naisalin na nilang impormasyon upang mas maabilis at higit na maunawan ito ng lahat ng Pilipino saan mang panig ng bansa.