Suportado ng Department of Health (DOH) ang panawagan ng iba’t ibang medical societies na muling maibalik sa enhanced community quarantine (ECQ) ang Metro Manila.
Sa ipinalabas na pahayag ng DOH, tiniyak ng kagawaran ang pakikiisa sa isinusulong na science-based at implementasyon ng mas mahigpit na community quarantine ng mga medical frontliners.
Matapos ang pakikipag-usap sa medical community, ipinangako ng DOH ang pangunguna sa pagpapatupad ng epektibong localized lockdowns kasama ang National Task Force.
Gayundin ang muling pag-aaral sa mga ipinatutupad na istratehiya kontra COVID-19 at makauo ng bagong bersyon sa loob ng pitong araw sa tulong ng mga stakeholders mula sa health sector.
Kaugnay nito, umapela ang DOH sa taumbayan na makipagtulungan para matiyak na hindi ma-overwhelmed ang health system at healthcare frontliners.