Isasailalim sa lockdown ang Pamantalsan ng Lungsod ng Maynila (PLM) simula ngayong araw, ika-3 ng Agosto.
Ito’y matapos aprubahan ni Manila Mayor Isko Moreno ang kahilingan ng pamanuan ng PLM na i-lockdown ang pamantasan sa loob ng dalawang linggo dahil sa patuloy na pagtaas ng kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Ayon kay PLM President Emmanuel Leyco, mayroon nang apat na kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa paaralan, dalawang recoveries at isa na ang nasawi.
Mayroon din umanong tatlong probable case at isang suspected case.
Kaugnay ng lockdown, lahat umano ng empleyado ay pansamantalang nakawork-from-home habang papayagan lang makapasok sa campus ang mga empleyadong hindi madadala ang trabaho sa bahay gaya na lamang ng IT at server maintenance staff, disinfection and sanitation crew at security personnel.