Sinang-ayunan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang rekomendasyon na pagkalooban ng P10,000 hanggang P15,000 na sickness benefit ang lahat ng healthcare workers na dinapuan ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Sa televised briefing sa Malacañang, inirekomenda ni COVID-19 response chief implementer Secretary Carlito Galvez Jr. na bigyan ng nabanggit na benepisyo ang lahat ng health workers na may COVID-19 anuman ang kanilang kondisyon.
Paliwanag ni Galvez, nakararamdam kasi umano ng diskriminasyon ang health worker lalo na kung sila ay dinapuan na ng nakahahawang sakit.
Sumang-ayon naman dito ang pangulo at kahit pa umano pagkalooban sila ng P15,000.
Sa ilalim ng unang Bayanihan Law, tanging ang mga health workers lamang na malalalang kondisyon ng COVID-19 ang makatatanggap ng P100,000 sickness benefit.