Iginiit ni Senador Panfilo Lacson ang panawagan nyang sibakin o kaya ay magresign si Health Secretary Francisco duque.
Muli itong ipinanawagan ni Lacson matapos na muling idepensa ng Pangulong Rodrigo Duterte si Duque nang i-anunsyo nito ang pagpapabalik sa modified enhanced community quarantine (MECQ) ng National Capital Region (NCR) at iba pang lalawigan.
Taliwas sa pahayag ng pangulo na hindi naman si Duque ang nag-import ng virus, sinabi ni Lacson na kumalat ang virus sa Pilipinas dahil nabigo si Duque na magcontact tracing sa mag asawang Chinese mula sa Wuhan na syang nagdala dito ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Binigyang diin ni Lacson na hindi na maunawaan kung anong anting-anting o gayuma ang gamit ni Duque sa pangulo.
Sa ngayon anya ay nasa 14 nang senador ang gustong mapatalsik si Duque sa puwesto maliban pa sa iba’t ibang medical groups. —ulat mula kay Cely Ortega-Bueno (Patrol 19)