Nangako ang Department of Health (DOH) na paiigtingin ang mga hakbang nito laban sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Kasunod na rin ito ng dalawang linggong pagsailalim muli sa modified enhanced community quarantine (MECQ) ang Metro Manila, Bulacan, Cavite, Laguna at Rizal simula ngayong araw na ito.
Ayon sa DOH magpapatupad sila ng mas pinaigting na community based active case finding.
Muli ring aaralin at bubuo ng strategy ang DOH kasama ang medical at public health workers at magkakaroon ng substitution team para sa mga pagod na health workers.