Nagpositibo sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) ang apat na crew member ng isang Norwegian luxury ship.
Ipinabatid ito ng Department of Foreign Affairs (DFA) kaya’t mahigpit nilang mino-monitor ang kondisyon ng mga naturang Pinoy at tiniyak ang kahandaan para tulungan ang mga ito kung kinakailangan.
Batay sa report ng Philippine Embassy sa Oslo ginagamot na sa ospital ang mga nasabing Pinoy na crew members ng Ms. Ronald Amundsen.
Sinabi ng DFA na ang nalalabing 123 Pinoy sailor na sakay din ng naturang luxury ship ay sumailalim din sa COVID-19 test at hinihintay na lamang ang resulta na ilalabas na anumang araw ngayong linggo ito.
Lumalabas sa Reuters report na 32 Pinoy crew members ay kabilang sa apat na pung pasahero at crew members na nagpositibo sa COVID-19.
Nakatakdang lumarga ang nasabing luxury ship sa British Isles sa susunod na buwan at hihimpil sa mga pantalan sa England at Scotland.