Aabot sa 96 na locally stranded individuals (LSIs) ang napauwi na ng Sulu at Tawi-Tawi.
Ayon sa Bangsamoro government, sa nabanggit na bilang, 45 roon ang nagnegatibo sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) test habang 51 ang nagpositibo ngunit gumaling na.
Tiniyak din ng Bangsamoro na nakumpleto ng mga LSI na ito ang kanilang 14-day quarantine sa isolation facilities sa BARMM.
Ito na ang huling batch ng mga LSIs na pauwi ng Basilan, Sulu at Tawi-Tawi mula sa Maynila.