Pumalo na sa kabuuang 112,593 ang bilang ng mga kumpirmadong kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa Pilipinas ayon sa Department of Health (DOH).
Ito’y makaraang madagdagan ng 6,352 ang bilang ng mga dinadapuan ng virus.
Sa kaparehong bulletin, nasa 240 ang iniulat na nakarekober o gumaling na sa virus sa nakalipas na 24-oras.
Dahil dito, nasa kabuuang 66,049 na ang gumagaling sa COVID-19 sa bansa.
Samantala, ayon sa DOH, 11 pa ang naidagdag sa mga namatay sa virus, kaya’t nasa kabuuang 2,115 na ang related deaths sa COVID-19 sa Pilipinas.
JUST IN: Kaso ng COVID-19 sa bansa, nadagdagan pa ng 6,352 ngayong Martes, Agosto 4.
Dahil dito, pumalo na sa 112,593 ang kabuuang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa bansa | https://t.co/HHOy7zaafm pic.twitter.com/LX32IA5C2B
— DWIZ Newscenter (@dwiz882) August 4, 2020