Hindi pa rin isusuko ni Pangulong Rodrigo Duterte ang panalo ng Pilipinas sa Permanent Court of Arbitration laban sa China hinggil sa agawan ng teritoryo sa West Philippine Sea.
Ito ang paglilinaw ni Defense Sec. Delfin Lorenzana bilang pagdepensa sa naging pahayag ng pangulo sa kaniyang ika-limang State of the Nation Address (SONA) nitong nakalipas na buwan.
Paglilinaw ng kalihim, pragmatic at realistic lamang aniya ang naging pahayag ng pangulo na inutil siya pagdating sa usapin ng agawan sa territoryo.
Sa panig naman ng Armed Forces of the Philippines (AFP), sinabi ng bagong chief of staff na si Lt/Gen. Gilbert Gapay na kanila pa ring isusulong ang mapayapang pagresolba sa usapin.
Magpapatuloy ang pagpapatrulya nila, paggigiit sa Soberanya at integridad ng Pilipinas sa nasabing karagatan kasabay ng pagpapanatili rin ng magandang relasyon sa pagitan ng Maynila at Beijing.