Muling umapela si Philippine National Police (PNP) Chief P/Gen. Archie Gamboa sa publiko na manatili sa bahay at laging sundin ang mga inilatag na panuntnunan ng gubyerno.
Ito ang inihayag ng PNP chief kasunod ng unang araw ng pagpapatupad ngayong araw ng modified enhanced community quarantine (MECQ) sa NCR at mga karatig lalawigan tulad ng Rizal, Laguna, Cavite at Bulacan.
Kaugnay niyan, inatasan na rin ni Gamboa ang lahat niyang tauhan na maglatag ng checkpoint sa kanilang nasasakupan salig na rin sa hirit na timeout ng mga medical frontliner.
Sapat naman, kasi dinivide naman natin ‘yung ating pwersa at nakapagpahinga naman na. Because since then naging GCQ na kaunti nalang ginagamit nating kapulisan. It’s just a matter of reorienting our policemen although medyo mahirap syempre nasanay na tayo na GCQ ang then suddenly meron na naman ng MECQ. So we can still manage (The Philippine National Police can still manage). ani Gamboa
Una nang nagbigay katiyakan si Joint Task Force COVID-19 Shield commander P/LTG. Guillermo Eleazar na may sapat silang bilang upang ipakalat sa mga quarantine controlled points (QCP)’s
Kasunod nito, ipinauubaya na ng PNP sa mga lokal na pamahalaan kung maglalatag din sila ng kani-kanilang QCP’s na tatauhan ng mga opisyal ng barangay at may tamang koordinasyon sa PNP
Ang pinaka-priorty natin ay maraming din pulis ang gagamitin dito sa quarantine control points and I think based on the previous practices inulit lang natin to. They are ready sa barangay level to establish their own control points. ani Gamboa