Pinapayagan na ang pag-angkas ng hindi asawa sa motorsiklo.
Ayon kay Lt. General Guillermo Eleazar, hepe ng Joint Task Force COVID Shield, kahit sinong kaanak o kahit kaibigan ay pwedeng i-angkas sa motorsiklo basta sya ay essential worker at konektado sa trabaho ang destinasyon nito.
Sinabi ni Eleazar na puwede nang gamitin sa paghatid at pagsundo ang motorsiklo basta’t essential worker ang i-aangkas nito.
Ipinaalala ni Eleazar na mahalaga pa ring gamitin sa motorsiklo ang prescribed na barrier sa pagitan ng driver at ng angkas nito.