Banta sa buhay ang idinahilan ng isa pa sanang testigo sa panibagong isyu ng katiwalian sa PhilHealth kaya’t bigong magpakita sa pagdinig ng Senado sa naturang usapin nuong Martes, Agosto 4.
Ayon kay Senador Panfilo Lacson, malaking kawalan ang hindi pag testigo ni Etrobal Laborte, dating head executive assistant ni PhilHealth president Ricardo Morales dahil marami aniya itong isisiwalat bagama’t kakausapin niya ito para mahimok na tumestigo na.
Binigyang diin ni Lacson na mayruon silang kapangyarihang puwersahin si Laborte na tumestigo sa pamamagitan ng pag i-isyu ng subpoena subalit ayaw niyang humantong sa ganito ng sitwasyon dahil nagbibigay naman ito ng impormasyon at dokumento sa kanila.
Nag log in pa aniya si Laborte sa virtual hearing subalit sa kalagitnaan ng pagdinig ay nag log out ito kayat posibleng may nag text o tumawag dito.
Sinabi ni Lacson na ilang linggo bago ang pagdinig ng Senado, makikipagkita sana sa kaniya si Laborte subalit hindi natuloy dahil napansin ng dating opisyal ng Philhealth may sumusunod sa kaniya.
Napapaikutan lamang o may kinalaman at kasabwat sa mga iregularidad sa PhilHealth.
Isa rito ayon kay Senador Panfilo Lacson ang maaaring sitwasyon ni PhilHealth president at CEO Ricardo Morales.
Sinabi ni Lacson na nuoy naisip niyang mahusay ang pagkakatalaga kay Morales kaya’t malaki ang pag asa niyang may magagawa ito para mapatino ang PhilHealth subalit nasusubukan aniya ang tunay na karakter ng tao kapag nabigyan ito ng kapangyarihan at yaman.
Kung pagbabasehan ang mga naging sagot ni Morales sa pagdinig ng Senado nuong Martes, inihayag ni Lacson na mayruon itong ‘sin of omission’ bilang pinuno ng PhilHealth kayat hindi niya nagustuhan ang madalas na pagtuturo ni Morales gayung siya ang pinakamataas na opisyal ng ahensya.
Kasabay nito, isinulong ni Lacson ang pagpapatawag sa susunod na Senate hearing kay Presidential Anti-Corruption Council Commissioner Greco Belgica dahil tila malawak ang nakalap nitong impormasyon hinggil sa mga panibagong isyu ng korupsyon sa PhilHealth.
Naniniwala si Lacson na magsasagawa ng fact finding investigation ang Office of the Ombudsman sa panibagong kaso ng katiwalian sa ahensya —ulat mula kay Cely Ortega-Bueno (Patrol 19).