Magsasagawa ang pamahalaang lungsod ng Makati ng “pooled coronavirus disease 2019 (COVID-19) testing”.
Ayon kay Makati City Mayor Abby Binay, ang naturang testing o pagsusuri ay bagong paraan upang isahang maisailalim sa test para sa COVID-19 ang isang grupo o komunidad.
Dagdag pa ni Binay, unang sasalang sa testing ang mga driver ng pampublikong mga sasakyan, at mga nagtitinda sa palengke dahil sila, ani Binay, ang higit na exposed sa nakamamatay na virus.
Kasunod nito, target ng pamahalaang lungsod ng Makati na ma-test at higit 10,000 nitong mga residente.