Nadagdagan pa ang bilang ng mga gumaling mula sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).
Batay sa daily case bulletin ng BARMM, nakapagtala ito ng anim na bagong kaso ng COVID-19 sa buong rehiyon dahilan upang sumampa na sa 471 ang confirmed cases sa nabanggit na lugar.
Ayon kay BARMM health minister Safrullah Dipatuan, nasa 373 na ang bilang ng mga recovered patients sa kanilang rehiyon o katumbas ng 79% recovery rate kasunod ng paggaling ng 60 pasyente.
Sinasabing naitala ang mga bagong kaso sa Marawi City, gayundin sa mga bayan ng Saguiaran at Balindong.