Nagtalaga ng 400 mga coronavirus disease 2019 (COVID-19) safety marshalls ang Pamahalaang Lungsod ng Maynila.
Ito ay upang magsilbing katuwang ng mga pulis at barangay officials sa pagpapatupad ng mga safety protocols sa lungsod ng Maynila kasabay ng muling pagpapatupad ng modified enhanced community quarantine (MECQ).
Ayon sa Manila LGU, tumatayo bilang mga COVID-19 safety marshals ang mga tauhan ng Manila Traffic and Parking Bureau.
Mag-iikot anila ang ito sa halos 900 mga barangay sa lungsod para paalalalahanan ang mga residente na sumunod sa mga ipinatutupad na safety measures tulad ng pagsusuot ng facemasks at physical distancing.
Una nang inanunsyo ng lokal na pamahalaan ng Maynila na muling gagamitin sa kasalukuyang MECQ ang una nang ipinalabas na mga quarantine passes.