Mahigit 81% ng kabuuang bilang ng mga nag-enroll noong nakaraang school year ang nakapagrehistro para sa school year 2020-2021, halos dalawang linggo bago ang pagbubukas ng klase sa Agosto 24.
Ayon sa Department of Education (DepEd), katumbas ito ng halos 22.69-milyong mga estudyante sa buong bansa.
Sa ginanap na pulong ng House Committee on Basic Eductaion and Culture, sinabi ni Education Undersecretary Tonisito Umali na 21.18-milyong estudyante ang nag-enroll sa mga pampublikong paaralan.
Katumbas aniya ito ng halos 94% ng kabuuang enrollees sa mga pambulikong paaralan noong school year 2019-2020.
Habang nasa 1.4-milyong estudyane naman ang nakapagtala sa mga pribadong paaralan na katumbas naman ng 34.4% ng mga nag-enroll noong nakaraang school year.
Sa kabila nito, naniniwala naman ni Umali na posibleng mas mataas pa rin sa kanilang datos ang aktuwal na bilang ng mga nag-enroll dahil may ilang eskuwelahan pa ang hindi nakapagsusumite ng kanilang records sa DepEd.