Nagpahayag ng pagkabahala ang Malakanyang sa estado ng ekonomiya ng bansa.
Kasunod ito ng pagsadsad ng ekonomiya sa 16.5% sa ikalawang bahagi ng taon, kasabay ng ipinatutupad na community quarantine.
Dahil dito, opisyal nang nasa recession ang pilipinas sa kauna-unahang pagkakataon matapos ang halos 30 dekada.
Ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque, mas malala pa sa inaasahan ng mga ecomic managers ng pamahalaan ang nangyari sa ekonomiya.
Binigyang diin naman ni Roque na hindi lamang Pilipinas ang nakaranas ng kaparehong sitwasyon sa ekonomiya kundi maging ang mga bansang tulad ng Singapore, Indonesia, Estados Unidos, France, Spain at Mexico bunsod ng COVID-19 pandemic.
Tiniyak naman ni Roque na kumikilos na ang mga economic managers ng pamahalaan para bumuo ng recovery program para makabawi ang mga negosyo at iba pang pangkabuhayan sa epketo ng pandemiya.
Kasabay nito, nanawagan din ang kalihim sa Kongreso na ipasa ang panukalang Bayanihan to Recover as One Act at Corporate Recovery and Tax Incentives for Enterprises Act na makatutulong para makabawi ang ekonomiya.