Pumanaw na ang isang 65-taong gulang na lalaking pasyente ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa Baguio City.
Ito na, ayon sa Public Information Office ng Baguio City, ang ika-apat na nasawi sa lungsod dahil sa nasabing virus.
Nakapagtala naman ng apat na bagong kaso ng sakit kaya’t pumapalo na sa 147 ang kabuuang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Baguio City.
Ang apat na bagong kaso ng COVID-19 ay mula sa Irisan, Lower Balacbac, Mrr Queen of Peace at San Luis.
Nasa 69 na ang nakarekober sa COVID-19 kayat 74 na lamang ang active cases sa Baguio City.