Sisimulan na sa Linggo, ika-10 ng Agosto, ang clinical trials sa Pilipinas sa Japanese anti-viral flu drug na Avigan.
Ipinabatid ito ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire sa gitna na rin ng patuloy na paghahanap ng gamot kontra coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Sinabi ni Vergeire na handa na sila sa pagsisimula ng trial matapos matanggap ng Pilipinas ang halos 200,000 Avigan tables mula sa Japan.
Sa katunayan, inihayag ni Vergeire na natukoy na nila ang mga ospital kung saan magagamit ang Avigan na hindi na aniya kailangan pang aprubahan ng Food and Drug Administration (FDA) dahil may go-signal na ito mula sa Japanese health authorities.