Isinusulong ni Cagayan de Oro City Rep. Rufus Rodriguez na doblehin ang buwang pensiyon ng mga senior citizens dahil sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) crisis.
Batay sa House Bill 7266 ni Rodriguez, binanggit na dapat gawing P1,000 ang kasalukuyang P500.00 na pensiyon ng mga matatanda sa ilalim ng Republic Act No. 9994 o Expanded Senior Citizens Act lalo’t kailangan nila ito sa panahon ng pandemya.
Paliwanag ng kongresista, dahil mahigpit din ang umiiral na batas, 29 na porsiyento lamang ng 7.5-million Filipino senior citizens ang nakatatanggap ng allowance.