Plano ng Philippine team na magpadala ng 15 atleta sa Tokyo Olympics sa susunod na taon.
Ayon kay chef de mission Mariano “Nonong” Araneta, kabilang sa mga sports na maaaring humataw ang Pilipinas ay ang rowing, canoe-kayak, archery, fencing, athletics, golf, karate, judo, triathlon, boxing, weightlifting at skateboarding.
Apat nang Pinoy ang siguradong makakapasok sa olimpiyada na kinabibilangan nina Eumir Marcial at Irish Magno sa boxing; Carlos Yulo sa gymnastics, at pole-vaulter EJ Obiena.
Samantala, may tsansa ring makapasok sa Japan games sina Olympic silver medalist weightlifter Hidilyn Diaz, judoka Kiyomi Watanabe; Kyla Richardson at Willie Morrison sa athletics; Ariana Dormitorio at Daniel Caluag sa athletics, at Nesthy Petecio ng boxing.