Nagpasaklolo sa Senado ang nagbitiw na Anti-Fraud legal officer ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) na si Atty. Thorrson Montes Keith.
Ito’y sa gitna na rin ng pagtestigo ni Atty. Keith sa nagpapatuloy na pagdinig ng Senado hinggil sa mga umano’y nabunyag na katiwalian sa nasabing ahensya.
Batay sa ipinadalang liham ni Atty. Keith kay Senate President Vicente Tito Sotto III, humihiling ito ng legislative immunity sa Senate Committee of the Whole.
Kalakip ng kaniyang aplikason ang lahat ng kaniyang mga testimonya at ebidensya na una nang inilatag sa mga naunang pagdinig ng senado.
Magugunitang ibinunyag ni Atty. Keith na mayruong “mafia” o sindikatong kumikilos sa loob ng PhilHealth na nagbulsa umano ng P15- milyong piso.