Inaasahan ang dagdag bawas sa presyo ng mga produktong petrolyo ngayong papasok na linggo.
Sa pagtaya ng kumpanya Unioil, posibleng bumaba ng P0.20 kada litro ang presyo ng diesel.
Habang inaasahan naman ang P0.20 dagdag presyo sa kada litro ng gasolina.
Tulad ng nakasanayan, inaasahang magiging epektibo ang panibagong paggalaw sa presyo ng mga produktong petrolyo sa darating na Martes, Agosto 11.