Humihingi ng paglilinaw sa Inter – Agency Task Force on the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF) ang isang grupo ng mga abogado.
Ito’y ayon sa grupong Lawyers for Commuter’s Safety ang protection ay kasunod ng kautusan ng Deparment of Transportation (DOTr) hinggil sa mandatory na pagsusuot ng face shield ng mga pasahero sa pagsakay sa pampublikong sasakyan.
Ayon kay LCSP President Atty. Ariel Inton, anim na buwan na ang nakalilipas mula nang pumutok ang pandemya ng coronavirus disease 2019 (COVIFD-19) sa Pilipinas pero bakit aniya ngayon lamang nilabas ang pag-aaral ng pagiging epektibo ng paggamit ng faceshield para hindi makasagap ng virus.
Ang tanong, six months ago hindi ba natin malaman iyon then nag-require tayo ng face masks bakit hindi natin nalaman na almost 0 percent ang risk pag naka-face shield ka rin diba. Bakit ngayon lang natin ‘to nalaman kung sakali so ‘yung ang mga gusto namin itanong sa ibang bansa ba mababa ang kaso ng COVID-19 rine-require din ang face shiels ani Inton
Paglilinaw ni Inton, hindi naman nila tinututulan ang mga ipinatutupad na patakaran lalo’t kung sa ikabubuti ito ng nakararami laban sa virus.
Ang nais lang nilang gawin ng pamahalaan ay tutukan ang mga posibleng mananamantala sa sitwasyon.
Sa amin po importante ‘yung suplay ng face shield kasi kung sinabi [ Pang-commuter lang ‘yan] pero halos tayo commuters. Ilan ‘yung commuters na sumasakay sa public transportation araw-araw milyon ‘yan. Meron ba tayong sapat na suplay para diyan?. Ito ba talaga ay protection o negosyo. Eh ayan na mga hoarders diba so sana ma-solve kaagad ito before August 15 para sa ganun ‘yung kaligtasan ng mga mananakay atska ‘yung kanilang pagsakay sa public transportation ay masiguro natin. ani Inton sa panayam ng DWIZ