Bumaba na sa dalawa ang bilang ng aktibong kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa Cotabato City.
Ito ang inanunsiyo ni Mayor Frances Cynthia Guiani-Sayadi matapos gumaling ang 26 sa 28 confirmed cases sa lungsod habang wala ring nasawi dahil sa virus.
Ayon sa alkalde, kasalukuyan pang ginagamot sa COVID-19 facility ang mga pasyente at umaasang makakarekober na ang mga ito sa lalong madaling panahon.