Naglaan ngP2.4-billios ang Department of Health (DOH) para ipambili ng bakuna laban sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa iallim ng panukalang budget nito para sa susunod na taon.
Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire hindi nila alam kung ilan ang mabibiling bakuna sa nasabing halaga bagamat tiyak naman aniyang madadagdagan pa ang naturang pondo.
Sinabi ni Vergeire na maaari pang magbago ang unang alok sa kanila na COVID-19vaccine para sa 20-milyong katao o 20 porsyento ng populasyon.
Una nang inihayag nina Pangulong Rodrigo Duterte at Finance Secretary Carlos Dominguez III na 40-milyong dose ng bakuna kontra COVID-19 na karamihan ay manggagaling sa China ay magiging available na sa Pilipinas sa buwan ng Disyembre.