Bababa ang singil sa kuryente ngayong buwan.
Ito na ang ika-apat na sunod na nagkaruon ng adjustment para mapababa ang singil sa kuryente sa nakalipas na tatlong taon.
Ayon sa Meralco magkakaruon ng P0.55 na bawas sa kada kilowatt hour o nasa mahigit P8.00 kada kilowatt hour ngayong buwan na maituturing anitong pinakamababa simula nuong September 2017.
Ang nasabing halaga ay katumbas ng nasa P41.00 kaltas sa kabuuang konsumo ng mga customers na gumagamit ng 200 kilowatt hour.
Sinabi ng meralco na bumaba ang singil sa kuryente dahil din sa pagbaba ng singil ng WESM o wholesale electricity spot market at IPP o independent power producers.