Sinupalpal ng grupo ng mga manggagawa ang opinyon ni Defense Secretary Delfin Lorenzana kung saan maaari na umanong isailalim muli sa general community quarantine (GCQ) ang Metro Manila.
Ayon sa grupong Buklurang Manggagawang Pilipino, patuloy na nakapagtatala ang Department of Health ng mataas na bilang ng kaso ng COVID-19.
Sa katunayan anila batay sa pinaka huling tala ay pumalo sa halos 7,000 ang naidagdag sa kabuang bilang ng kaso sa bansa.
Giit ni BMP chairman Leody De Guzman, kontra sa pagtaas ng bilang ng COVID-19 ang sinasabi ni Lorenzana na handa na ang Metro Manila sa GCQ dahil hindi umano maaaring lockdown na lamang ng lockdown at posibleng mas maraming mamatay sa gutom kaysa COVID kung walang trabaho ang mga tao.
Dahil dito kinuwestyon ng grupo ang basehan ni Lorenzana para sabihing handa na ang Metro Manila sa mas maluwag na quarantine restrictions.