Inaasahang maisusumite na ng kampo ni Senador Grace Poe ang resulta ng DNA test ng mambabatas sa Oktubre 21.
Ayon kay Senate Electoral Tribunal Spokesman at Secretary Irene Guevarra, binigyan ng 30 araw si Poe na isumite ang DNA test result sa loob ng 30 araw.
Agad namang nilinaw ni Guevarra na hindi ang SET kundi ang kampo ni Poe ang nagkusa na sumailalim sa DNA test ang Senadora sa isinagawang oral argument noong September 21.
Matatandaang nagsampa ng disqualification case sa SET ang natalong senatorial candidate na si Rizalito David dahil na rin sa isyu ng citizenship ni Poe.
By Meann Tanbio