Hindi dapat tumaas ng P50 ang kada isa ng face shield.
Ayon ito kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, base na rin sa kanilang rekomendasyon na suggested retail price (SRP) ng bawat isang face shield, na isinumite kay Health Secretary Francisco Duque III bago ipadala sa Department of Trade and Industry (DTI).
Sinabi ni Vergeire na walang dapat ikabahala ang publiko dahil tinitiyak nilang hindi tataas ang presyo ng face shield base na rin sa materials na ipinaabot sa kanila.
Ang kanila anyang rekomendasyon sa SRP ng face shield ay ibinase nila sa isang maliit na survey matapos makipag-ugnayan sa mga expert hinggil sa gagamiting materyales sa paggawa ng face shield.
Una nang hiniling ng DTI sa Department of Health (DOH) na magkasa ng SRP sa face shield matapos itong sumirit sa mahigit P50 kada isa.