Lumakas ang piso kontra sa dolyar sa unang pagkakataon matapos ang apat na taon.
Kasunod ito nang pagpalo sa 48.92 ng halaga ng piso kontra sa dolyar sa ikalawang araw ng trading week.
November 10, 2016 nang magsara sa 48. 66 ang halaga ng piso kontra sa dolyar.
Ang malakas na piso ay nangangahulugang makakabili na ang Pilipinas ng imports sa mas magandang rates.