Posibleng maisailalim na lamang sa general community quarantine (GCQ) ang Metro Manila pagkatapos ng ika-18 ng Agosto.
Ayon ito kay Parañaque City Mayor Edwin Olivarez, chairperson ng Metro Manila Council, ay kapag patuloy na bumaba ang kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa kalakhang Maynila na patunay aniya nang epektibong paglalagay dito sa modified enhanced community quarantine (MECQ) mula ika-4 ng Agosto.
Tinukoy ni Olivarez ang kaniyang teritoryo sa Parañaque kung saan mula 876 noong ika-4 ng Agosto ay naging 651 na lamang ang kaso ng COVID-19.
Una nang inihayag ni Defense Secretary Delfin Lorenzana, chairman ng National Task Force on COVID-19 na uubra nang ilagay sa GCQ ang Metro Manila pagkatapos ng ika-18 ng Agosto.