Nakapagtala ng anim na volcanic earthquake ang Mt. Kanlaon sa nakalipas na 24-oras.
Sa inilabas na bulletin ng PHIVOLCS, nagbuga ang bulkan ng steam-laden plumes na pumalo ng 300-metro ang taas.
Dahil dito, nananatiling nakasailalim sa alert level 1 ang Mt. Kanlaon.
Ibig sabihin, hindi ipinagbabawal pa rin ang pagpasok sa 4-kilometrong radius permanent danger zone ng bulkan.
Bukod pa rito, nag-abiso ang Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) sa mga piloto na iwasang dumaan malapit sa summit ng bulkan dahil posible itong biglaang magbuga ng phreatic eruption.