Halos 50% o kalahati ng mga naitalang kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa bansa ay may edad 20 hanggang 39na taong gulang.
Batay ito sa pinakahuling datos ng Department of Health (DOH) nitong Agosto 10 kung saan halos 68,000 mula sa naitalang mahigit 138,000 kaso ay kabilang sa 20 to 39 year old age group.
Ayon sa DOH, mahigit 5,800 sa nabanggit na bilang ay mula sa Quezon City, mahigit 4,200 mula sa lungsod ng Maynila, mahigit 4,000 rin sa Cebu City, higit 2,000 mula sa Taguig at higit 3,900 ang repatriates.
Samantala, 29% naman ng kaso ay may edad 40hanggang 59 na taong gulang.
Habang 12% o katumbas ng higit 16,500 kaso ay mga senior citizens.
Bagama’t sinabi ng DOHna bumababa ang bilang ng kaso ng mga senior citizens na nagpopositibo sa COVID-19, mayorya o 60% ng mga nasasawi sa sakit ay mula sa nabanggit na age group.