Hawak na ng Philippine National Police ang Abu Sayyaf group leader na si Andulijihad Idang Susukan.
Ito ang kinumpirma ni PNP chief Police General Archie Gamboa, matapos isuko ni Moro National Liberation Front (MNLF) founding chairman Nur Misuari ang asg leader sa kanyang tahanan sa Yñigue subdivision Maa, Davao City.
Si Susukan ay may 34 na warrant of arrest dahil sa 23 kaso ng murder, limang kaso ng kidnapping at serious illegal detention, at anim na kaso ng frustrated murder.
Isinailalim si Susukan sa medical examination sa Camp Quintin Mercado Hospital bago ito mailipat sa pangangalaga ng Armed Forces of the Philippines sa Kampo Aguinaldo.
Kaugnay nito, pinasalamatan ni Gamboa si misuari sa kusa nitong pagsuko kay Susukan sa PNP sa pamamagitan ni Davao City Police Office Chief Col. Kirby John Kraft —ulat mula kay Jaymark Dagala (Patrol 9).