Muling ipinagpaliban ng Liberal Party (LP) ang pag-anunsiyo sa kumpletong listahan ng senatorial slate.
Sa maiksing statement na inilabas kagabi, sa Lunes Oktubre 12 na isasapubliko ang listahan ng kanilang pambatong senador.
Nabatid na una nang sinabi ng LP na kahapon sana ang announcement ng kanilang mga kandidato sa pagka-senador.
Nagpaliwanag naman ang partido sa muling pagkaantala ng pag-anunsiyo sa kanilang mga kandidato.
Bibigyan daw kasi nila ng mas mahabang panahon si Quezon City Mayor Herbert Bautista para komunsulta sa kanyang pamilya matapos mag-withdraw si Metro Manila Development Authority (MMDA) Chairman Francis Tolentino sa LP.
Sa ngayon, ang sigurado lamang na pasok sa listahan ng LP senatoriables ay sina Senate President Franklin Drilon, Senator Ralph Recto, Senator Teofisto Guingona III, dating Senador Francis Pangilinan, Justice Secretary Leila de Lima at Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) Chief Joel Villanueva.
By Mariboy Ysibido