Duda si Senadora Imee Marcos na hindi totoong pag-aari ng mga opisyal ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) ang mga bank accounts na isinumite ng mga ito sa Anti Money Laundering Council (AMLC) para imbestigahan.
Kasunod ito ng naging pahayag ng tigapagsalita ng PhilHealth na ilang matataas na opisyal ng ahensiya ang lumagda na sa bank secrecy waiver sa gitna ng imbestigasyon sa umano’y katiwalian.
Ayon kay Marcos, hindi dapat umasang may matutuklasang malaking impormasyon ang AMLC sa mga ipinipresentang bank accounts ng ilang opisyal ng PhilHealth.
Aniya, madali nang makalulusot ang mga tiwaling opisyal ng PhilHealth dahil naging bihasa na ang mga ito sa matagal nang umiiral na palpak at kaduda-dudang sistema sa ahensiya.