Pumalag ang PhilHealth sa babala ni Senador Richard Gordon, chairman ng Philippine Red Cross (PRC), na ititigil na nila ang coronavirus disease 2019 (COVID-19) testing dahil halos P1-bilyon na ang utang ng PhilHealth.
Ayon kay PhilHealth Spokesperson Shirley Domingo, wala silang utang sa PhilHealth.
Nakapagbigay na anya sila ng mahigit sa P500-milyon sa PRC at ang pinakahuli nilang bayarin na P700-milyon ay dumating lamang naman ng Biyernes at Sabado.
Kahit one day hindi po natin maibibigay ‘yan, we have to process din po. I believed we’re also trying to iron out some details doon sa MOA, because my MOA po ‘yon between PhilHealth and Red Cross. I believed merong some details doon that we are reviewing and trying to iron out. Pero so far, lahat ng bills nila ay nabayaran naman namin,” ani Domingo. —sa panayam ng Ratsada Balita
Ilang ospital na may masamang financial liquidity, nanganganib magsara
Nanganganib na magsara ang ilang ospital na may masamang financial liquidity.
Ibinabala ito ng PhilHealth kasunod ng pagsuspinde nila sa interim reimbursement mechanism (IRM) dahil mga alegasyon na anomalya.
Ayon kay Shirley Domingo, spokesperson ng PhilHealth, bagamat hindi direktang apektado ang mga miyembro ng PhilHealth sa suspensyon ng IRM, mararamdaman nila ito kung mapupunta sila sa mga ospital na kapos sa pondo.
Ang maaapektuhan po nito are the hospitals na may problem na sa kanilang financial liquidity. Sila po ang maaapektuhan because IRM is supposed to be given kaagad sa kanila instead of the usual claims processing, ani Domingo. —sa panayam ng Ratsada Balita