Madadaanan nang muli ang Sevilla Bridge na nagdudugtong sa Maynila at Mandaluyong simula bukas, Miyerkules, August 19.
Ito’y matapos isailalim sa rehabilitasyon ang tulay ng halos dalawang taon.
Bukod kasi sa rehabilitasyon, apektado rin ito ng Skyway Project.
Inaasahang makatutulong sa daloy ng trapiko sa Mandaluyong at Maynila ang naturang tulay.