Inilabas na ng United Nations ang mga pangalan ng mga bubuo sa unity government para sa Libya.
Ayon kay Bernardino Leon, special envoy ng United Nations, ang tatayong Prime Minister ng bagong gobyerno ay si Fayez Sarraj, na miyembro ng Tripoli – based administration.
Kasama din sa listahan ang pangalan ng tatlong deputies para sa prime minister na kakatawan sa East, West at South ng libya; at ang dalawa pang minister para makumpleto ang presidential council.
Ang listahan ay kailangan munang maaprubahan ng rival parliaments nito.
By Katrina Valle