Negatibo sa COVID-19 ang kabuuang 34,623 na mga balik bansang OFW’s ayon sa Philippine Coast Guard (PCG).
Ito’y batay sa datos ng ahensya sa isinagawang RT-PCR testing ng sub-task group para sa mga OFW’s.
Ayon sa PCG, kabilang sa naturang datos ang lab ID’s ng mga returning overseas filipinos (ROF’s), OFW’s at mga non- OFW’s na na-transmit ng Philippine Red Cross (PRC).
Kasunod nito, oras na makumpleto na mga ROF’s ang kanilang quarantine sa mga itinakdang lugar at magnegatibo sa COVID-19 ay agad namang maglalabas ng quarantine certificate ang PRC sa mga ito.