Umaapela sa Korte Suprema ang mismong mga consumers at mga residente ng Iloilo City bilang siyang final arbiter sa usaping legal sa pagitan ng dalawang dstribution utility na More Electric and Power Corp at Panay Electric Company (PECO).
Ginawa ng pinakamalaking transport cooperative sa lalawigan ang panawagan kasunud na rin ng hindi pa nareresolba na legal issue sa pagitan ng dalawang power firm kung saan nakasalalay ang kapakanan ng 65,000 consumers sa lalawigan.
Ayon kay Halley Alcarde, General Manager ng Western Visayas Transport Cooperative(WVTC) na bagamat may 6 na buwan pa lamang ang More Power bilang power supplier ng lalawigan ay malaking kaibahan at kaginhawan na ang kanilang nararanasan kumpara sa ilang dekadang pahirap na dinanas nito sa serbisyo ng PECO.
alam namin na legal issues ito, mga batas ang syang pagbabatayan ng ating mga mahistrado pero sana ang aming apela lamang bilang mga consumers ay iprayoridad at tignan din ang kalagayan noon at ang malaking kaibahan ngayon sa power supply sa Iloilo. Sa totoo lang kami ay parang nabunutan ng tinik, nasolve ang aming reklamo sa problema sa kuryente at ito sana ang sya ding makita ng SC,” paliwanag ni Alcarde.
Bilang patunay umano na ikinatutuwa ng mga residente ang pagpapalit ng power supplier at pagtake over ng More Power ay maaari umanong tignan ang mga social media accounts ng power firm dahil makikita dito ang mga mensahe ng papuri at hindi reklamo.
May mga brownouts pang nararanasan sa Iloilo pero scheduled power interruption na ang mga ito at may abiso kung hanggang anong oras, malayo noon na nawalan ng kuryente, hindi mo alam kung bakit at inaabot ng ilang araw. Nakikita namin na natutugunan na ang problema hindi yung sa PECO na walang pag aksyon,” dagdag pa ni Alcarde kung saan sya mismo ay saksi sa mabilis na pagtugon ng kumpanya sa reklamo.
Maliban sa mga consumer group, ilang multi sectoral groups din ang nauna nang nagpahayag ng suporta sa More Power kabilang na ang simbahan, teacher groups at trasport sector.
From visibility, transparency, rapid response, courteous personnel, to leading a transformational impact in the campaign to rid Iloilo City of power thefts, the new utility distributor is creating change,” pahayag ni Pastor Nestor Gonzales.