Lusot na sa Bicameral Conference Committee ang panukalang Bayanihan to Recover as One Act (Bayanihan 2) na may bisa hanggang December 19, 2020.
Inihayag ito ni Senate Finance Committee Chairman Senator Sonny Angara na siya ring pinuno ng Senate panel sa bicam.
Ayon kay Angara, P140 billion ang inilaan para sa Bayanihan 2 na gagamitin sa mga proyekto ng gobyerno na pantulong sa mamamayan at mga sektor na apektado ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic.
Sabi ni Angara, bukod dito ay may inilaan din na P25 billion na standby appropriations.
Binanggit ni Angara hindi na rin kailangan ng implementing rules and regulations (IRR) ng Bayanihan 2 kaya agad itong maipapatupad sa oras na mapirmahan ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Inaatasan din ng Bayanihan 2 ang pangulo at Commission on Audit na mag-report sa Kongreso kada buwan kaugnay sa implementasyon nito.