Sumipa na sa 178,022 ang COVID-19 cases sa Pilipinas makaraang makapagtala ang Department of Health (DOH) ng 4,339 na bagong impeksiyon.
Ayon sa DOH, nasa 61,025 ang aktibong kaso sa kasalukuyan habang pumalo na sa 114,114 ang total recoveries kasunod ng paggaling ng 727 na pasyente.
Samantala, umakyat na sa 2,883 ang kabuuang death toll sa buong bansa matapos masawi ang 88 pang COVID-19 positives.
JUST IN: Kaso ng COVID-19 sa bansa, nadagdagan pa ng 4,339 ngayong Huwebes, Agosto 20.
Pumalo na sa kabuuang 178,022 ang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa bansa. Mayroon namang 61,025 naitalang active cases. | https://t.co/HHOy7zaafm pic.twitter.com/KLH2WCbQl0
— DWIZ Newscenter (@dwiz882) August 20, 2020