Pumalag ang Department of Labor and Employment (DOLE) sa naging inilabas na datos ng Social Weather Stations na mayroong 27.3 million Filipinos ang nawalan ng trabaho dahil sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III, 3 million lamang ang kanilang naitalang nawalan ng trabaho dahil sa pandemya at patuloy itong nadadagdagan.
Hindi naman aniya nila ito ipo-protesta sa SWS ngunit nanindigan sila sa kanilang datos dahil mula ito sa datos na isinumite ng mga employer.
Matatandaan tinukoy ng SWS na ang adult unemployment sa bansa ay pumalo sa 45.5% o halos kalahati na ng labor force.