Nakatakdang magbukas sa susunod na linggo ng dalawang bagong quarantine facilities ang lungsod ng Quezon City para sa mga confirmed, suspected, at probable COVID-19 patients.
Ayon sa QC LGU, tatawagin na Hope-4 ang 336 –bed facility na bubuksan ng Quezon City General Hospital kung saan mayroon itong apat na dialysis machines and 10-beds na ilalaan lamang para sa mga dialysis patients.
Habang ang Talipapa Senior High School building naman tatawaging ikalimang Hope facility na mayroong 67-bed capacity para sa mga mild at asymptomatic cases.
Samantala, mayroon pa umanong susunod na dalawa pang COVID-19 facilities ang inaasahang bubuksan ng local government ng Quezon City sa pakikipagtulungan ng Department of Public Works and Highways (DPWH).
Base sa COVID-19 bulletin ng QC, aabot na sa 2,431 ang mga active cases doon, habang 6,989 ang recoveries at mayroong 397 fatalities.