Hindi nagustuhan ng grupo ng health workers ang apela ni Health Secretary Francisco Duque III sa kanila na “patriotism” o pagiging makabayan ng mga ito ngayong mayroong pandemyang kinakaharap ang bansa.
Ayon sa grupong Filipino Nurses United (FNU), wala pa mang pandemya ay marami ng nurse sa bansa ang naglilingkod nang matagal na panahon kahit hindi sapat ang sinasahod para masuportahan ang pangangailangan ng kanilang pamilya.
Anila napakasakit na marinig na parang sila pa umano ang hindi nationalis o patriotic sa panahon ngayon ng pandemya.
Gayundin ang iginiit ng grupong Alliance of Health Workers kung saan sinabi nito na matagal nang panahon na nagsisilbi ang mga health workers alang-alang sa sinumpaang tungkulin.
Una nang umapela si Duque sa health workers na magtulungan sa harap ng laban ng bansa kontra COVID-19.