Nadagdagan pa ng isa ang pulis na nasawi dahil sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) o kabuuang 16 mula nang ipatupad ang quarantine.
Sa regular update mula sa Philippine National Police (PNP), umabot na sa 3,380 ang bilang ng mga pulis na tinamaan ng COVID-19 kung saan 104 rito ang bagong kaso.
Maliban pa ito sa 2,688 na hinihinalang positibo na sa virus at 711 na itinuturing na probable infections.
Samantala, nasa 9984 na ang bilang ng mga Pilipino sa abroad na tinamaan ng COVID-19.
Nananatili naman sa 733 ang death toll, samantalang sumampa na sa 5,953 ang mga gumaling na sa sakit.
Patuloy namang dumarami ang gumagaling sa mga miyembro ng Philippine Coast Guard na nagpositibo sa COVID-19.
Mula sa 997 na kaso ay nasa 127 na lamang ang aktibong kaso kung saan isa ang nananatili sa ospital.